Katutubong Kasarinlan sa Pagkain: Mga Resipi ng Katatagan
Ang pelikulang ito ay isang paglalakbay tungo sa puso ng mga sistemang-pagkain ng mga Katutubo kung saan ang pagkain ay sagrado, ang lupa ay buhay, at ang pagkakaiba-iba ay katatagan. Dahil sa mga makapangyarihang pagpapatotoo mula sa mga komunidad sa lahat ng dako ng daigdig, nahahayag kung paanong ang mga kaalamang ninuno, pag-iimbak ng binhi, at ang mga kultural na tradisyon ay hindi lang nagpapalakas ng mga katawan kundi nagpapanatili ng pagkakakilanlan, saribuhay, at ng mga ekosistema. Di gaya ng mga monokultura ng agrikulturang-industriyal at ang pagkontrol ng mga korporasyon, ang mga katutubong kasarinlan sa pagkain ay naghahandog ng pananaw ng kasaganahan, balanse, at paggalang sa kalikasan. Sabay na isang babala at isang pagdiriwang, ang pelikula ay nagbibigay-diin sa mga pakikipaglaban at tagumpay ng mga komunidad para muling angkinin ang kanilang mga binhi, lupa, at mga tradisyon--katunayan na ang kinabukasan ng pagkain, kultura, at ng planeta ay nakasalalay sa pagbibigay-dangal sa mga buhay ng sistema ng karunungan.






